Extension ng puso ang tenga, kaya kapag marunog kang makinig, marunong kang magmahal,
Pag di ka mahal ng taong mahal mo, wag kang magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lng.
Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..
Ang babae, nirerespeto, inaalagaan!Hindi yan PSP na bubunutin mo lang sa bulsa pag gusto mo ng paglaruan.Hindi yan IPOD na papakinggan mo lang kapag wala kang libangan.At hindi yan RED HORSE na pwede mong laklakin hanggang madaling-araw.Ang babae, marami mang arte sa katawan, hindi yan gadget para kolektahin at paglaruan.
Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sayo kahit pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin yung araw na sakit nalang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.
Kapag pinag-aagawan ka malang maganda o gwapo ka. Sumama ka sa mabuti, hindi sa mabait. Sa marunong hindi sa matalino. Sa mahal ka, hindi sa gusto ka.
Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin
ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo.
Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang
hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan
mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso,
utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo,
kundi IKAW mismo!
kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.
Kung maghihintay ka nang ng lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay
mo.. Dapat lumandi ka din
Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawakan ng
iba. "
Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.
Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."
Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na
araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.
makakapili ka ng lugar na uupuan mo, pero hindi mo mapipili ang ang taong uupo satabi mo...
ganyan ang senaryo sa bus.. Ganyan din ang pag-ibig .. Lalong di mo kontrolado kung kailan sya bababa
paano mo makikita yung para sayo kung ayaw mong tantanan yang pinipilit mong maging iyo
hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.
Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak
para alagaan ang sarili mo
Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag
natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila
kung dalawa mahal mo piliin mo ung pangalawa.. kc di ka naman mag mamahal ng iba kung mahal mo talaga ung una.
kung sa tingin mo naloko mo ako.. nag kakamali ka.. kc ikaw ang naloko ko..pinaniwala kita na naloko mo ako...
Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.
Bakit ka magpaparamdam sa taong hindi marunong makaramdam? Wag kang magpakatanga, sa taong hindi marunong magpahalaga. Matuto kang sumuko at mang-iwan, kung lagi ka namang sinasaktan.
Imbis na magtanong ka ng "Hindi pa ba sapat?" Bakit hindi mo na lang kalimutan ang lahat? Kung alam mong binabalewala ka na, tanggapin mong nagsasawa na sya.Wag kang magpadala sa salitang "sorry" at "ayokong mawala ka" kung totoo yun,patunayan nya
Minsan hindi rin naman talaga ginusto ng mga taong minahal naten ang saktan tayo. Hindi naman nila sinasadyang iwan tayo para sa bagong dumating. Minsan kailangan natin tanggapin na sa paniniwala nila, mas mahal nila yun. Ganun lang naman talaga, dun sila kung saan sila masaya. Ganun din naman siguro ang gagawin natin, kung tayo ang nasa sitwasyon di ba? Lahat tayo mararanasang AGAWIN, MANG-AGAW at MAAGAWAN. Pana-panahon lang yan.
ang pinakamirap na parte ng paglayo sa taong hindi ka kayang mahalin ay ang katotohanang hindi ka nya hahabolin
No comments:
Post a Comment